Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 26 May 2013
Source: Bombo Radyo
CEBU CITY – Patay ang isang ginang habang isang lalaki ang sugatan dahil sa walang habas na pamamaril ng isang konsehal sa Barangay Bug-ot, bayan ng Argao, Cebu.
Namatay si Myrtel Pantinoble, kamag-anak ng naturang opisyal, matapos tamaan ng bala ang kanyang mata at tumagos ito sa kanyang batok.
Kinilala naman ang sugatan na si Jibay Famat, 28-anyos at nakatira rin sa nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng Argao Police Station, nagkasagutan si Famat at ang anak ni Konsehal Isabelo Pantinoble sa hindi pa malaman na kadahilanan.
Sinasabing dahil sa matinding away, nasaktan diumano ang konsehal para sa 14-anyos na anak kung kaya’t kumuha ito ng baril at binaril si Famat.
Natamaan din nito ang tindera na si Pantinoble na malapit lang sa biktima.
Boluntaryo namang sumuko sa mga otoridad ang suspek matapos ang insidente.
Sa ngayon ay inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa konsehal.