1 patay, 1 sugatan sa pag-atake ng riding-in-tandem sa Quezon

Injured Killed
1 1

Date: 20 March 2013
Source: DZMM ABS CBN

Patay ang isang lalaki habang isa pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Lucena City, Quezon.

Dead on arrival sa St. Anne Hospital ang 46 -anyos na si Ariel Endrinal habang nagpapagamot pa sa Mt. Carmel Hospital ang 12-anyos na si John Paul Alcantara.

Naglalakad lang umano ang mga biktima sa bahagi ng Balimbing St., Purok Atin-atin sa Barangay Marketview nang pagbabarilin ng mga suspek mula sa likuran.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang itim na motorsiklo habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. Report from Johnny Glorioso, DZMM Correspondent