Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 25 January 2013
Source: Friday, 25 January 2013 14:11 , bombo radyo
BUTUAN CITY – Isa ang patay at isa ang sugatan sa pamamaril sa bahay ni Association of Barangay Captains (ABC) president Raul Salazar sa Brgy San Fernando, Bislig City sa lalawigan ng Surigao del Sur dakong alas-6:30 ng gabi.
Sinabi ni P/Supt Ramir Perlas, chief of police ng Bislig City, nagtamo ng limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang sibilyang si Lauro Hunyo, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Habang may tama naman sa kanyang paa si Emmanuel Salazar.
Napag-alamang nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ng ABC president nang mangyari ang insidente.
Ani Perlas, tatlong hindi nakilalang mga lalaki na may dalang mga armas at sakay ng motorsiklo ang itinuturong responsable sa krimen na tumakas sa ‘di malamang direksyon.
Narekober sa crimescene ang mga empty shells, slug at bala ng kalibre .45 at 9mm pistol.