1 pang salvage victim natagpuan sa QC

Injured Killed
0 1

Date: 24 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na namang bangkay ng hinihinalang biktima ng summary execution na pinatay sa saksak ng icepick at pananakal saka isinilid sa itim na garbage bag ang natagpuan sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may-hawak ng kaso, ang bangkay na nakuha ay pang-apat na sa biktima ng salvage na natagpuan sa lungsod ngayong buwan lamang ng Hunyo.         

Inilarawan ang bangkay na nasa edad na 40-45, may taas na 5’1’’, katamtaman ang pangangatawan, moreno, may tattoo­  sa kanyang kanang hita na “Negro Commando, Versoza­, Bragas, Melchor” sa kanyang kanang kamay, “Carina” sa kaliwang braso, “Jennelyn”, “Arroyo O Clares” at “Dragon” sa kanyang likuran.

Sabi ni Balbuena, ang bangkay ay natagpuan ng isang Emeralda Manalo at tatlo pang miyembro ng barangay sa San Martin de Porres  sa kahabaan ng EDSA corner Banahaw St., ganap na alas-12:30 ng hatinggabi.

Diumano, nagpapatrulya ang nasabing mga testigo sa lugar nang mapuna nila ang isang nakahambalang na itim na garbage bag sa naturang kalye.

Nang kanilang buksan ay saka tumambad sa kanila ang kalunus-lunos na hubad na katawan ng biktima. Agad nilang ipinabatid ang insidente sa mga awtoridad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tulad ng mga naunang biktima na nakita sa iba’t ibang lugar­ sa lungsod, may bakas din ng sakal, mga saksak sa buong katawan, bukod pa sa laslas sa kanyang kaliwang pulso. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.