1 pang bomba sumabog sa Maguindanao

Injured Killed
0 0

Date: 11 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa gitna na rin ng bomb scare na namamayani sa rehiyon ng Mindanao, isa pang bomba ang su­mabog sa bayan ng Upi, Maguindanao nitong Sabado ng umaga.

 Ito ang ikatlong insi­dente ng pagsabog na yumanig sa Maguindanao simula noong Miyerkules.

 Sa report ni Col. Custodio Parcon, commander ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)1 bandang alas-7:10 ng umaga ng yanigin ng pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) ang Sitio Payong -Payong, Brgy. Kebleg, Upi ng lalawigang ito.

 Ayon sa opisyal, wala namang naiulat na na­sugatan at nasawi sa insidente pero lumikha ito ng matinding pagpapanik sa mga residente na hindi pa rin nakakarekober sa serye ng mga pagsabog sa lungsod ng Cagayan de Oro at Cotabato; pawang sa  rehiyon ng Mindanao.

Noong Hulyo 26 ay niyanig ng malakas na pagsabog ang Cagayan de Oro City na ikinasawi ng 8 katao habang 48 pa ang nasugatan at sumunod naman ang isang malakas ring pagsabog sa lungsod ng Cotabato noong Agosto 5 na kumitil naman ng buhay ng 8 katao at 30 pa ang naitalang sugatan.

Isa umanong hindi pa nakilalang lalaki ang nagpasabog ng bomba sa Brgy. Kebleg na nagmamada­ling tumakas matapos ang insidente. Nagresponde naman sa lugar ang mga elemento ng MBLT 1 at ikinordon ang bayan ng Upi

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, nasugatan naman ang biktimang si Almer Ho, 26 anyos matapos na hagisan ng granada na sumabog habang kumakain sa Brgy Timpul, Isabela City, Basilan. Ang bomba na inihagis ng dalawang lalaki  na tinutugis na ng pulisya ay isang MK2 grenade.