Injured | Killed |
---|---|
3 | 1 |
Date: 12 February 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Muli na namang nagkasagupa ang tropa ng gobyerno at hindi pa madetermina na bilang ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kaninang alas-9:15 ng umaga sa bahagi ng Brgy. Tobgon, sa bayan ng Oas, Albay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay P/Supt. Renato Bataller, ang tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, kinumpirma nito ang nangyaring engkwentro habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga miyembro ng Philippine Army at Regional Public Safety Batallion sa pangunguna ni P/Insp. Domingo Tapel sa nasabing barangay.
Ayon kay Bataller, nadaanan ng mga sundalo ang itinanim na landmine ng mga rebelde na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong militar.
Mabuti na lamang umano at wala namang iba pang nasugatan sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Samantala, isa namang miyembro ng mga armadong kalalakihan ang namatay sa sagupaan na kinilala lamang ng mga residente sa tawag na Ka Boy.
Na-recover din sa pangangalaga ng napatay na rebelde ang kalibre .45 na baril at isang granada.
Sa ngayon patuloy naman ang isanasagawang imbestigasyon ng militar at kapulisan sa totoong pagkakakilanlan ng bangkay.
Habang nagpapagamot naman ang mga sugatang sundalo.