Pulis, nabaril ang misis matapos mauwi sa kaguluhan ang agawan sa kostudiya ng kanilang anak

Injured Killed
1 0

Date: 30 November 2013
Source: GMA News

Kalaboso ang isang pulis sa Luna, La Union, habang nagpapagaling naman sa ospital ang kaniyang misis matapos mauwi sa karahasan ang pag-aagawan nila sa kostudiya ng kanilang anak.

Sa ulat ng GMA News TV’s “Balita Pilipinas Ngayon” nitong Biyernes, sinabing nagtalo umano ang mag-asawa tungkol sa kostudiya ng kanilang anak.

Napag-alaman na hiwalay na ang dalawa at nais ng pulis na makuha ang kanilang anak na nasa pangangalaga ng kaniyang misis.



Pero nauwi sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap at humantong sa pag-aagawan ng baril ng pulis.

Sa pag-aagawan, pumutok ang baril ng pulis at tinamaan ng bala sa sikmura ang ginang.

Ligtas na ang ginang at nagpapagaling sa ospital habang nakakulong naman ngayon ang kaniyang mister na pulis. — FRJ, GMA News