Dalaga hinabla ng rape ang kapitbahay

Recorded by: fallujah
Date: 
12/28/2013
Source: 
Journal Online
Injured: 
1

NAGSAMPA ng reklamong panggagahasa ang 25-anyos na dalaga laban sa kanyang kapitbahay makaraang gapangin umano siya at puwersahang halayin kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Kaagad na iniutos ni Chief Insp. Edna Catilogo, hepe ng Taguig Police Women and Children’sProtection Desk (WCPD), ang pagdakip kay Amado Omoguis, alyas “Eman”, karpintero, ng Bgy. Hagonoy, matapos maghain ng reklamo ang biktimang itinago lamang sa alyas Gina.

Sa kanyang pahayag kay PO1 Sarah Valderama, may hawak ng kaso, sinabi ni Gina na mahimbing ang kanyang pagkakatulog sa kanyang silid nang magising na lamang siya sa mabigat na katawang nakadagan sa kanya dakong ala-1 ng madaling araw.

Nagtangka umanong sumigaw ang biktima su-balit tinakpan ng suspek ang kanyang bibig at kahit umano siya nagpipiglas ay wala siyang nagawa dahil sa sobrang lakas ng suspek hanggang magtagumpay na mailugso ang kanyang puri.

Bagama’t itinatanggi ng suspek ang bintang, sinampahan pa rin siya ng kasong paglabag sa RA 8242 o Anti-Rape Law ang pulisya sa Taguig City Prosecutor’s Office.