3 dedo sa pamamaril ng dating sundalo

Recorded by: fallujah
Date: 
12/31/2013
Source: 
Pilipino Star Ngayon
Killed: 
3

MANILA, Philippines – Tatlo ang utas matapos pagbabarilin ng retiradong sundalo sa Palar (Philippine Light Armor Regiment) Village sa Barangay Pinagsama sa Taguig City ngayong Martes.

Hindi pa nakikilala ang tatlong biktima na idineklarang dead on arrival nang dalhin sa Ospital ng Makati.

Lumabas sa imbestigasyon na bandang alas-9 ng umaga namaril ang retiradong sundalo sa may kalye ng Mt. Apo Extension.

Sinabi ng mga pulis na walong suspek ang kanilang inaresto.

Ayaw naman ipaalam ng mga awtoridad ang mga pangalan ng suspek.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang motibo sa pamamaril.